Kilala mo ba si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ? kung oo 'buti naman'at kung hindi 'hay nako. Ako? Di ko sya ganoon kakilala pero masasabi ko naman na may kakaunti akong nalalaman tungkol sa kanya. Tulad na lamang ng : Si Rizal ay nakatira sa Calamba sa Laguna. Ikapito rin sya sa labingisang anak nina Teodora Alonzo at Francisco Mercado. Ipinanganak sya noong June 19, 1861 At namatay noong December 30,1896 sa Bagumbayan na mas kilala ngayon na Rizal Park. At mayroon din syang nagawang mga aklat isa na nga dito ang binubuod ko ngayon na Noli Me Tangere. Yan ang ilan sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya sana may natutunan kayo. Salamat :)
Bisperas na ng bagong taon at gaya ng inaasahan ko aligaga nanaman ang nanay ko sa pagkumpleto at pagbili ng labing dalawang bilog na prutas pati na rin ng ihahanda namin sa bagong taon. Pasado alas sais na ng gabi ng simulan nyang magluto. Tumulong na din ako para mas mabilis na matapos at naglinis na din ako ng bahay para maaliwalas tingnan. Kaya masasabi ko na isa iyon sa mga nakakapagod na araw. Malapit ng mag alas dose ibig sabihin malapit na ding magbagong taon kaya nagtipon-tipon muna kaming pamilya sa loob ng aming bahay. Di man iyon kasing bongga tulad ng sa ibang pamilya na halos buong angkan talaga sila ang mahalaga safe kami at masaya. Yun naman yung mahalaga ih diba? At tulad nga ng gusto kong mangyari naging safe ang pagsalubong namin sa 2016. Kinaumagahan, dumiretso naman kami sa Pinugay sa bahay ng tita ko para doon ipagpatuloy ang aming new year's celebration at syempre syempre syempre napasabak naman ako sa matinding kainan. Kaya isa yung napakasarap at napakasayang araw
Sa darating na bagong taon ang New year's resolution ko ay (drum roll) "Di na ko mag-iingay sa kalse" isa lang yan pero napakahirap gawin. Nakakachallenge. At sana kung sakaling magawa ko yun maappreciate sana ng magaganda kong kaklase. At isa pa pala "Di na ko mambuburaot ng pagkain sa mga kaklasi ko, Minsan na lang :)" para di na ko mabansagang kalabit-penge. Yun lang.
Hindi iyon karaniwang araw para sa lahat. Abalang abala ang mga ito para sa pagsalubong sa kapaskuhan. Lalong-lalo na sa pamilya namin. Kasi for the first time naghanda kami. Oo naghanda kami. Nakakagulat diba? Kaya ganyan yung title ko'Ang unang pasko' kasi nga ngayon ko lang nalaman na nagpapasko din pala sa bahay namin. At take note may mga regalo pa kami galing kay ina o diba? Kaya para sa akin, Ito talaga yung Best Christmas namin ih. Kahit may onting problema kasi biglang sumakit yung magaganda kong ngipin okay lang hindi yun hadlang. At sana ganoon pa rin yung mangyaring pagsalubong namin next year. Para hayahaaayyyyy :)
Pasko na may Wish List ka na ba?
Ako? Wala pa. At wala akong balak gumawa. Bakit? Simple lang, Ayokong umasa. Masakit yun ih. Yung umasa kang may magbibigay sayo ng gusto mo pero wala naman pala. EDI WOW diba... Kaya mas gusto ko na wala na lang wish list para kung sakaling bigyan man ako ng regalo o edi salamat sa kanya at kung hindi naman ako makatanggap atleast di ako umasa. Pero diba ? Di naman nakabase sa materyal na bagay ang pasko. As long as magkakasama kayong pamilya at masaya kayo yun na yung pasko. Yun na yung totoong meaning nun. Kaya ngayon, Kung sakaling gagawa man ako ng Wish List ko onti na lang ilalagay ko para onti lang rin yung asa diba? 'HAPPINESS' yan yung isa sa mga onti na ilalalagay ko sa Wish List ko tsaka 'Sana mabawasan yung away-away naming magkakaibigan'. Yun lang dalawa kasi connected yan sa isa't isa ih. Kasi kapag masaya ako edi magiging masaya na rin para sa akin yung pamilya ko at hindi lang yun syempre yung mga kaibigan ko din at kapag masaya kaming lahat edi wala ng away, wala ng problema at higit sa lahat wala na ring stress :)