Biyernes, Enero 1, 2016

SI Lolo Pepe



  Kilala mo ba si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ? kung oo 'buti naman'at kung hindi 'hay nako. Ako? Di ko sya ganoon kakilala pero masasabi ko naman na may kakaunti akong nalalaman tungkol sa kanya. Tulad na lamang ng : Si Rizal ay nakatira sa Calamba sa Laguna. Ikapito rin sya sa labingisang anak nina Teodora Alonzo at Francisco Mercado. Ipinanganak sya noong June 19, 1861 At namatay noong December 30,1896 sa Bagumbayan na mas kilala ngayon na Rizal Park. At mayroon din syang nagawang mga aklat isa na nga dito ang binubuod ko ngayon na Noli Me Tangere. Yan ang ilan sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya sana may natutunan kayo. Salamat :)

Two.Zero.One.Six

       Bisperas na ng bagong taon at gaya ng inaasahan ko aligaga nanaman ang nanay ko sa pagkumpleto at pagbili ng labing dalawang bilog na prutas pati na rin ng ihahanda namin sa bagong taon. Pasado alas sais na ng gabi ng simulan nyang magluto. Tumulong na din ako para mas mabilis na matapos at naglinis na din ako ng bahay para maaliwalas tingnan. Kaya masasabi ko na isa iyon sa mga nakakapagod na araw. Malapit ng mag alas dose ibig sabihin malapit na ding magbagong taon kaya nagtipon-tipon muna kaming pamilya sa loob ng aming bahay. Di man iyon kasing bongga tulad ng sa ibang pamilya na halos buong angkan talaga sila ang mahalaga safe kami at masaya. Yun naman yung mahalaga ih diba? At tulad nga ng gusto kong mangyari naging safe ang pagsalubong namin sa 2016. Kinaumagahan, dumiretso naman kami sa Pinugay sa bahay ng tita ko para doon ipagpatuloy ang aming new year's celebration at syempre syempre syempre napasabak naman ako sa matinding kainan. Kaya isa yung napakasarap at napakasayang araw

CHALLENGE

        Sa darating na bagong taon ang New year's resolution ko ay (drum roll) "Di na ko mag-iingay sa kalse" isa lang yan pero napakahirap gawin. Nakakachallenge. At sana kung sakaling magawa ko yun maappreciate sana ng magaganda kong kaklase. At isa pa pala "Di na ko mambuburaot ng pagkain sa mga kaklasi ko, Minsan na lang :)" para di na ko mabansagang kalabit-penge. Yun lang.

Ang unang pasko

     Hindi iyon karaniwang araw para sa lahat. Abalang abala ang mga ito para sa pagsalubong sa kapaskuhan. Lalong-lalo na sa pamilya namin. Kasi for the first time naghanda kami. Oo naghanda kami. Nakakagulat diba? Kaya ganyan yung title ko'Ang unang pasko' kasi nga ngayon ko lang nalaman na nagpapasko din pala sa bahay namin. At take note may mga regalo pa kami galing kay ina o diba? Kaya para sa akin, Ito talaga yung Best Christmas namin ih. Kahit may onting problema kasi biglang sumakit yung magaganda kong ngipin okay lang hindi yun hadlang. At sana ganoon pa rin yung mangyaring pagsalubong namin next year. Para hayahaaayyyyy :)

Wish Least

    Pasko na may Wish List ka na ba?
Ako? Wala pa. At wala akong balak gumawa. Bakit? Simple lang, Ayokong umasa. Masakit yun ih. Yung umasa kang may magbibigay sayo ng gusto mo pero wala naman pala. EDI WOW diba... Kaya mas gusto ko na wala na lang wish list para kung sakaling bigyan man ako ng regalo o edi salamat sa kanya at kung hindi naman ako makatanggap atleast di ako umasa. Pero diba ? Di naman nakabase sa materyal na bagay ang pasko. As long as magkakasama kayong pamilya at masaya kayo yun na yung pasko. Yun na yung totoong meaning nun. Kaya ngayon, Kung sakaling gagawa man ako ng Wish List ko onti na lang ilalagay ko para onti lang rin yung asa diba? 'HAPPINESS' yan yung isa sa mga onti na ilalalagay ko sa Wish List ko tsaka 'Sana mabawasan yung away-away naming magkakaibigan'. Yun lang dalawa kasi connected yan sa isa't isa ih. Kasi kapag masaya ako edi magiging masaya na rin para sa akin yung pamilya ko at hindi lang yun syempre yung mga kaibigan ko din at kapag masaya kaming lahat edi wala ng away, wala ng problema at higit sa lahat wala na ring stress :)

Linggo, Nobyembre 22, 2015

Sabado't Linggo

      Pagkagising na pagkagising ko ng umaga ika 21 ng Nobyembre agad na akong dumiretso sa aming lamesa sapagkat nakaramdam ako ng gutom. Pagkatapos kong kumain dumiretso naman ako sa aming palikuran upang maligo dahil kailangan kong maglaba ng maaga11:00 na noon ng mapagisipan kong kumain pagkatapos ay naglaba na ako agad. Hapon na ako ng matapos ko ang aking paglalaba kaya napagisip ko munang magpahinga ng bahagya. Maya maya pa ay dumating na galing trabaho ang aking ama kaya nagtimpla naman ng kape ang aking kapatid. Gabi na rin ng iyon kaya kumain na kaming mag-anak habang nanunuod ng TV ng antukin na ako syempre napagisip ko ng matulog.
      Kinaumagahan Ika-22 na ng Nobyembre inaya ako ng aking ama na magsimba ngunit tumanggi ako dahil na rin sa dami ng aking gagawin. nagalmusal muna ako at nagsimulang gumawa mg mga takdang aralin. Nang magutonm na ako nagpasya na akong kumain kasabay ng aking mag-anak. Pinaghugas mna ako ng aking ina at sinunod ko naman ito para hindi nya na ako pagalitan at mas lalong mapatagal ang aking ginagawa. Natapos naman ako agad doon kun kaya pinagpatuloy ko na ang aking paggwa sa aking takdang aralin. Natapos ko naman ito maya maya kaya dumiretso na ako sa aming palikuran para maligo dahil may pupunta pa ako sa computer shop para gumawa ng mga natitirang gawain. Medyo gabi na rin ng matapos ko ito kumain muna ako at nang antukin ay syempre natulog na.

Sabado, Nobyembre 21, 2015

Si Charles At Rosita Bilang ama at ina

  Isang araw, sa Sitio Ruhat Purok 3 Brgy. Mambugan Antipolo City may isinilang na maganda at kulot na bata pinangalanan nila itong Lovely Rose. Mabilis na lumipas ang panahon 3rd year High School na ang bata at kasalukuyan syang nag-aaral sa Mambugan National High School dyan sa Siruna. Bilang parte ng kanyang pagiging estudyante binigyan sya ng kanyang guro sa Filipino ng takdang aralin tungkol sa pagpapahalaga sa magulang. Habang papaui sya sa kanyang tahanan inisip nya na kung paano nya sisimulan ang kanyang takdang aralin. Nagisip isip sya ngunit hindi nya pa rin alam kung paano. Kaya tinanong nya na lamang ang kanyang sarili " Mahalaga ba sakin sina mama at papa? ", Sinagot nya rin naman ang kanyang sariling tanong, "Syempre magulang ko yun ih.", Nagtanong ulit sya, "Eh gaano sila kahalaga sa akin?", Sinagot nya itong muli, "Hm. Basta sobrang mahalaga yung tipong iisipin mo pa lang na darating yung araw na aalis, iiwan o lilisanin nila ang mundo ay naiiyak kana ganun. Tsaka syempre Dugo't laman nila ko kaya utang na loob ko sa kanila ang buhay ko . Isa pa sila rin yung dahilan kung bakit ako nandito, Sila yung humubog sa pagkatao ko. Sila rin yung nagturo sa akin ng A,E,I,O,U ng BA,BE,BI,BO,BU at iba pa. Khit mnsan pinagagalitan nila ko, kahit minsan nararamdaman kong di nila ko mahal, kahit minsan nararamdaman kong wala silang paki sa akin magulang ko pa rin sila at hinding hindi ako magsisisi doon. Oo minsan naiinis ako sa kanila nagagalit natural lang naman yun ih diba ? pero anong karapatan kong magalit anak lang naman nila ako and its my pleasure :).  Kaya para sa akin, hindi sapat yung salitang salamat ih. Kasi salita lang naman yun ih . Pwedeng yung salamat na yun ay labas sa ilong o kaya naman labag sa loob. Kaya kung magpapasalamat ka wag lang basta salita dapat sabayan mo ng gawa patunayan mo. Pero mahirap kasi yun patunayan ih basta mahalaga sila sakin sabi nga ng ABS-CBN Station ID "Thank you thank you for the love" . Maya maya'y nagulat sya dahil hindi nya namamalayan na nasagot nya na pala ang kanyang takdang aralin. Isa na lang ang kanyang naiisip gawin ang ipadama sa kanyang mga magulang yung totoong ibig sabihin ng salitang pagmamahal at halaga.