Sabado, Setyembre 26, 2015

Representing all the womens SALUTE

   Bilang isang kababaihan, Para sa akin siguro sa iilang mga bagay masasabi kong sapat na ang karapatan na natatamasa namin. Ngunit masasabi ko rin naman na ito'y kulang pa. Sapat sa iilang mga bagay tulad na lamang ng karapatang makapagaral, makapagdesisyon at iba pa dahil alam naman nating lahat na noong unang panahon ay hindi ito natatamasa ng mga kababaihan at ang alam lang nila tungkol sa mga babae ay palahian lamang at ultimo kasambahay kung ituturing. Kulang naman sa mga bagay tulad ng pantay na pagtingin sa mga babae at lalaki kasi minsan Halimbawa na nga lamang sa pagtatrabaho mas kinukuha nila ang mga lalaki dahil mas malalakas daw ang mga ito. 
   Kaya kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon ay naisa ko sanang magkaroon ng 'freedom wall' ang mga babae sa Pilipinas para dito namin mailabas ang mga nararamdaman o hinaing o kung anu pa man.

Martes, Setyembre 22, 2015

Tanka at Haiku

                                                                     'Kahapon'
                                                             Sa aking pagkapikit
                                                              Naalalang sandali
                                                               Sana'y magbalik
                                           

                                                                      'Pagsibol'
                                                             Tila isang bulaklak
                                                            Pagmamahal nalanta
                                                               Sana'y magbalik
                                                           Nang madiligang muli
                                                                Lupa ay tigang

Akala ko tao lang ang nasasaktan, Hayop din pala

Bakit kaya may mga taong nananakit ng hayop ? Ano kayang problema ng mga yun ? hahahahha:) Kung ako ang tatanungin , Ewan ang sagot ko. Pero kung sakali man, Maaari kong tingnan ang magiging sagot ko sa positibo at negatibong paraan . Negatibo, Siguro dahil wala trip lang nila, Mga walang magawa sa buhay ganun, Sabi nga sa kanta ni Jugs&Teddy 'Walang basagan ng trip' dba ?, at siguro rin naman hindi pa nila nararanasan kung papaano ang feeling ng masaktan kaya ganoon na lamang sila kung manakit ng mga hayop:(, Sa positibo naman , Maaring ginagawa nila ang mga bagay na ganoon dahil nais nilang matuto ang mga ito. Matutong maging matatag parang sa mga tao diba kapag may mga taong nananakit satin mas lalo tayong tumatatag, Yung tipong papatunayan mo sa taong yun na di ka dapat sinasaktan lang, Gayundin sa hayop halimbawa diba kapag tinatakot o sinasaktan sila mas lalo silang tumatapang, Ngunit gayunpaman syempre nakakaburyong paring isipin na may mga tao palang nananakit ng mga hayop. At ang masaklap pa ay ginagawa pa nila ang mga ito na mapagkikitaan. Siguro ang magiging solusyon nito para sakin ay kung mabibigyan sila ng trabaho na makakatugon sa kanilang mga pangangailangan .

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Na-BOB-aliw na ko!---^__^ ni Marj Capendit


             http://buhayngnagsusunogngkilay.blogspot.com/2015/08/na-bob-aliw-na-ko.html

 Sa pagbabasa ko ng mga blog ng aking mga kamag-aral ay napukaw ang atensyon ko sa paskil ni Marj na 'Na-BOB-aliw na ko!---^__^' dahil nagandahan ako sa mga sinabi nya na para bagang inspiradong inspirado sya habang ginagawa nya iyon. At nagustuhan ko din kung paano nya ipinaskil ito sa mga rhyme rhyme. Yun lang :)

Byaheng KOREA

Nais mo bang pumunta sa Korea ? Ako hmm, 50-50 Bakit ? ewan ko ih. pero siguro dahil hindi ako fan ng bansang iyon . At siguro rin hindi ako mahilig sa KPOP KPOP na yan . Malay ko ba sa kanila ? English nga di ko maindindihan Korean pa kaya :) Pero syempre syempre syempre minsan ninanais ko pa din na magtungo sa bansang yun. Sino ba naman ang ayaw magpunta sa isang tanyag na lugar tulad ng Korea . Pero ano bang gagawin ko pag nakapunta ko dun ? Hm,
1. Magpapaikot-ikot ako sa airport nila at nanamnamin ang hanging meron sila hanggang sa makabangga ako ng Koreano :) Tulad na lamang ng sa teleseryeng 'OTWOL' at syempre magpapasama na ko sa kanya sa mga susunod kong gagawin :) :)
2.Magpupunta ko sa mga sikat na lugar sa bansa nila tulad ng Jeju at Gangnam.
3.Kukuha rin ako ng mga litrato hanggang sa mapuno ang memory ng cellphone ko
4. Kakain ako ng mga sikat na pagkain sa kanila
5.Bibili ako ng mga bagay bagay na maaari kong ipasalubong sa mga PolygonBabies :)
6-10 Hm, yung iba dun ko na lang gagawin di ko pa alam ih . tsaka na lang pag andun nako :)
SALAMAT :)

Pabeber Months

Hala ? Ber months na .! Hm. Parang di ko naman feel :( Siguro dahil wala pa kong nakikitang kumukutikutitap na mga christmas light sa labas ng bahay namin . At maaari rin namang dahil mainit pa rin ang panahon hanggang ngayon lalo na sa room namin . Hm, Siguro sa ngayon wala pa kong nararamdaman na kakaiba sa ber months. Pero malay ko baka bukas o sa makalawa o sa mga susunod na araw meron na ! Ganyan naman tayo ih diba ? Sa una wala pa tayong nraramdaman pero hindi natin alam nahulog na pala tayo :) maihahalimtulad ko ang  REGALO sa crush mo. Oo sa crush mo . Paano ? Kasi nga diba kapag may crush ka inspiradong inspirado ka o parang mas bagay na sabihin na despiradong despirado ka , Yung tipong gagawin mo lahat magkita lang kayo , matabihan mo lang sya , At higit sa lahat makuha mo lang sya . Parang sa regalo , Syempre kapag pasko diba gustong gusto nating makatanggap o makakuha ng mga ganun ! Yung tipong pupunta ka pa sa ninong at ninang mo at sasabihing 'Namamasko Po ?' para lang makuha yun. gagawa ka ng paraan . Pero gaya ng crush mo dadarating din yung araw na magsasawa at magsasawa ka dito. At hahanap ng mga bagong bagay o kaibigan na magpapasaya sayo ulit tulad ng dati . haha :) kung san san napunta yung ber months ko:) Pasensya po :)