Martes, Setyembre 22, 2015
Akala ko tao lang ang nasasaktan, Hayop din pala
Bakit kaya may mga taong nananakit ng hayop ? Ano kayang problema ng mga yun ? hahahahha:) Kung ako ang tatanungin , Ewan ang sagot ko. Pero kung sakali man, Maaari kong tingnan ang magiging sagot ko sa positibo at negatibong paraan . Negatibo, Siguro dahil wala trip lang nila, Mga walang magawa sa buhay ganun, Sabi nga sa kanta ni Jugs&Teddy 'Walang basagan ng trip' dba ?, at siguro rin naman hindi pa nila nararanasan kung papaano ang feeling ng masaktan kaya ganoon na lamang sila kung manakit ng mga hayop:(, Sa positibo naman , Maaring ginagawa nila ang mga bagay na ganoon dahil nais nilang matuto ang mga ito. Matutong maging matatag parang sa mga tao diba kapag may mga taong nananakit satin mas lalo tayong tumatatag, Yung tipong papatunayan mo sa taong yun na di ka dapat sinasaktan lang, Gayundin sa hayop halimbawa diba kapag tinatakot o sinasaktan sila mas lalo silang tumatapang, Ngunit gayunpaman syempre nakakaburyong paring isipin na may mga tao palang nananakit ng mga hayop. At ang masaklap pa ay ginagawa pa nila ang mga ito na mapagkikitaan. Siguro ang magiging solusyon nito para sakin ay kung mabibigyan sila ng trabaho na makakatugon sa kanilang mga pangangailangan .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento