Linggo, Oktubre 11, 2015

Kung sa Vatican may Papa Francisco, Sa Mambugan naman may Papa Fernando

                                                     Ang pinapahalagahan kong guro :)
    Sa kanya ko nalaman yung essense ng pagiging estudyante ko , Kung bakit ako nasa school, Kung bakit ako nagaaral at kung bakit ko kailangang magaral. Sa kanya ko natutunan kung paano magpahalaga ng tao, Magpahalaga sa mga taong nakakasalamuha ko, Nasa paligid ko, Maging sa mga kaibigan na meron ako. Sa kanya ko naramdaman yung sinasabi nilang pangalawang magulang, Oo masungit sya, Mataray, Istrikto pero deep inside mabait sya, Sobrang bait nya. Alam ko maraming estudyanteng tulad ko na kapag naririnig ang pangalang 'FERNANDO TIMBAL' natatakot, tumitiklop, napapayuko dahil masasabi kong kadikit na ng pangalan niya ang pagiging disiplinado. Sya yung gurong di ko masasabing pinaka paborito ko pero sya naman yung gurong masasabi kong pinaka pinahahalagahan ko. Sya rin yung gurong naging parte at patuloy na magiging parte na ng aking pagkatao. Oo aaminin ko na sa unang kita ko sa kanya ay takot agad ang naramdaman ko pero sa katagalan nalaman ko yung totoong kahalagahan ng isang gurong katulad niya. At kung sa istorya naman, Diba sa isang istorya kailangang mayroong Climax para maging Interesting ito. Kaya sa istorya ng pagiging High School ko masasabi ko na nangyari yung Climax ng maging Adviser ko siya, Syempre andun yung may lungkot, may galit, may inis, may iyak, may pagod at higit sa lahat andun yung saya. Sayang di ko na makakalimutan dahil tumatak na sa aking isipan, Kaya gusto ko po siyang pasalamatan, Sa lahat ng nagawa niyang kabutihan, Kabutihang aking lubos na pahahalagahan. 
                                                   T H A N K Y O U S I R T I M M Y :) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento