Pagkagising na pagkagising ko ng umaga ika 21 ng Nobyembre agad na akong dumiretso sa aming lamesa sapagkat nakaramdam ako ng gutom. Pagkatapos kong kumain dumiretso naman ako sa aming palikuran upang maligo dahil kailangan kong maglaba ng maaga11:00 na noon ng mapagisipan kong kumain pagkatapos ay naglaba na ako agad. Hapon na ako ng matapos ko ang aking paglalaba kaya napagisip ko munang magpahinga ng bahagya. Maya maya pa ay dumating na galing trabaho ang aking ama kaya nagtimpla naman ng kape ang aking kapatid. Gabi na rin ng iyon kaya kumain na kaming mag-anak habang nanunuod ng TV ng antukin na ako syempre napagisip ko ng matulog.
Kinaumagahan Ika-22 na ng Nobyembre inaya ako ng aking ama na magsimba ngunit tumanggi ako dahil na rin sa dami ng aking gagawin. nagalmusal muna ako at nagsimulang gumawa mg mga takdang aralin. Nang magutonm na ako nagpasya na akong kumain kasabay ng aking mag-anak. Pinaghugas mna ako ng aking ina at sinunod ko naman ito para hindi nya na ako pagalitan at mas lalong mapatagal ang aking ginagawa. Natapos naman ako agad doon kun kaya pinagpatuloy ko na ang aking paggwa sa aking takdang aralin. Natapos ko naman ito maya maya kaya dumiretso na ako sa aming palikuran para maligo dahil may pupunta pa ako sa computer shop para gumawa ng mga natitirang gawain. Medyo gabi na rin ng matapos ko ito kumain muna ako at nang antukin ay syempre natulog na.
Linggo, Nobyembre 22, 2015
Sabado, Nobyembre 21, 2015
Si Charles At Rosita Bilang ama at ina
Isang araw, sa Sitio Ruhat Purok 3 Brgy. Mambugan Antipolo City may isinilang na maganda at kulot na bata pinangalanan nila itong Lovely Rose. Mabilis na lumipas ang panahon 3rd year High School na ang bata at kasalukuyan syang nag-aaral sa Mambugan National High School dyan sa Siruna. Bilang parte ng kanyang pagiging estudyante binigyan sya ng kanyang guro sa Filipino ng takdang aralin tungkol sa pagpapahalaga sa magulang. Habang papaui sya sa kanyang tahanan inisip nya na kung paano nya sisimulan ang kanyang takdang aralin. Nagisip isip sya ngunit hindi nya pa rin alam kung paano. Kaya tinanong nya na lamang ang kanyang sarili " Mahalaga ba sakin sina mama at papa? ", Sinagot nya rin naman ang kanyang sariling tanong, "Syempre magulang ko yun ih.", Nagtanong ulit sya, "Eh gaano sila kahalaga sa akin?", Sinagot nya itong muli, "Hm. Basta sobrang mahalaga yung tipong iisipin mo pa lang na darating yung araw na aalis, iiwan o lilisanin nila ang mundo ay naiiyak kana ganun. Tsaka syempre Dugo't laman nila ko kaya utang na loob ko sa kanila ang buhay ko . Isa pa sila rin yung dahilan kung bakit ako nandito, Sila yung humubog sa pagkatao ko. Sila rin yung nagturo sa akin ng A,E,I,O,U ng BA,BE,BI,BO,BU at iba pa. Khit mnsan pinagagalitan nila ko, kahit minsan nararamdaman kong di nila ko mahal, kahit minsan nararamdaman kong wala silang paki sa akin magulang ko pa rin sila at hinding hindi ako magsisisi doon. Oo minsan naiinis ako sa kanila nagagalit natural lang naman yun ih diba ? pero anong karapatan kong magalit anak lang naman nila ako and its my pleasure :). Kaya para sa akin, hindi sapat yung salitang salamat ih. Kasi salita lang naman yun ih . Pwedeng yung salamat na yun ay labas sa ilong o kaya naman labag sa loob. Kaya kung magpapasalamat ka wag lang basta salita dapat sabayan mo ng gawa patunayan mo. Pero mahirap kasi yun patunayan ih basta mahalaga sila sakin sabi nga ng ABS-CBN Station ID "Thank you thank you for the love" . Maya maya'y nagulat sya dahil hindi nya namamalayan na nasagot nya na pala ang kanyang takdang aralin. Isa na lang ang kanyang naiisip gawin ang ipadama sa kanyang mga magulang yung totoong ibig sabihin ng salitang pagmamahal at halaga.
BUGSO NG DAMDAMIN versus PAYO NG INA
Sa kuwento ng Parabula ng Banga, Inaya ng porselanang banga ang bangang lupana maligo sa lawa, Ngunit kahit pinagbawalan na sya ng kanyang ina na huwag makikisama sa hindi nila kauri ay hindi nya pa rin ito pinansin bagkus sumama pa rin ito sa bangang porselana. Sa madaling salita sinuway nya ang utos o ang habilin sa kanya ng kanyang ina kaya sa huli nagsisi sya sa kanyang ginawa at ninais nyang sanay sinunod o nakinig na lamang sya.
Sa parabulang ito mas naintindihan ko ang panig ng isang magulang. Kung bakit halos lahat sa kanila ay istrikto o parang mas tamang sabihin na lahat sila ay istrikto lalo na sa kanilang anak na babae dahil iniisip lamang pala nila ang kapakanan o ang nakakabuti para dito. At ginagawa lamang nila ito para hindi mapariwara o mawala sa tamang landas ang kanilang anak at marahil ayaw din nila itong pagsisihan sa huli ang maling disisyon na ginawa na maaaring pagdusahan nila habang buhay.
Sa panig naman ng bangang lupa o ng anak masasabi kong syempre kahit papaano ay naintindihan ko sya dahil maaaring nadala lang sya ng kayang bugso ng damdamin o ng kanyang emosyon kaya hindi nya na naisip kung ano ang pwedeng manyari o ang pwedeng maging resulta ng kanyang gagawin o ginawa.

Miyerkules, Nobyembre 18, 2015
PROBLEMA vs PANANAMPALATAYA
A no ang nais mong tahakin bilang estudyante, Sa pangako ng diyos ?
Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan. Ngunit una sa lahat nais ko syang pasalamatan. Salamat sa lahat ng biyayang iyong ibinibigay hindi man ito lahat mabuti o maganda atleast natututo ako sa lahat ng iyon.
Ang buhay ay hindi perpekto, Lahat tayo ay may problemang kinahaharap sa pera man, sa pag-ibig, sa buhay, o saan man. Pero ang importante may natutuna tayo doon. May leksyon itong naiiwan at higit sa lahat naniniwala o nanampalataya pa rin tayo sa kanya sa kabila ng mga problema o hirap na ating pinagdadaanan sa buhay.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)