Bakit mahalaga na magingat sa mga paskil na sasabihin ?
Una sa lahat , Bkit ka ba nagpaskil ? Kasi may kaaway ? Kasi may pinariringgan ? Kasi may pinatatamaan ? puro tayo kasi pero ano nga ba talaga ang dahilan ? Marami sa atin ang nagpopost sa ibat ibang websites partikular na nga sa facebook ng kung ano anong mga bagay . Isa rin to sa paraan kung paano mo ipapahayag ang iyong damdamin . Ngunit makakasakit ba ako kung sakaling ipost ko ito ? Yan ang tanong na dapat muna nating sagutin bago tayo magpost . Hindi yung " Osige, magpopost ako at walang makakapigil sakin" Tapos ano ? pag nabasa nya syempre magpopost din sya tapos ikaw din pag nabasa mo yung post nya syempre gaganti ka din magpopost ka walang makakapigil sayo ih. Hanggang sa hindi na ito matapos at maging gawi nyo na iyon . Pero naisip ba nati na " Ay pwede naman naming pagusapan, nagpost pa ako " tapos magsisisi ka dahil sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi . Wag na nating hintayin pang lumaki pa ito at magdulot ng mas malaking problema at ng di pagkakaunawaan hanggat maari pagisipan muna natin ang mga bagay na sasabihin ipopost at desisyong gagawin natin bago natin ito gawin dahil may kaakibat itong responsibilidad na mamaari nating pagsisihan .
Linggo, Agosto 30, 2015
NCAElan kaya matatapos to ?
Ano ang mga naramdaman ko sa NCAE ?
Kinakabahan, Natatakot, Natutuwa, Nalulungkot, at Nalilito yan ang mga naramdaman ko nang magsimula hanggang sa matapos ang NCAE . Kinakabahan dahil baka hindi ko matapos ang pagsusulit . Natatakot dahil baka masungit o mataray ang magbabantay sa amin . Natutuwa dahil hindi ganoon kahihirap ang mga tanong sa test kailangan mo lang ng sintido kumon para masagot ito maliban na lamang sa ACCOUNTANCY na simula pa lamag ay pinadugo na ang utak ko . Nalilito naman dahil mayroong tanong dun na halos pareparehas lang ang pagpipilian kaya mahirap mamili ng sagot . At Nalulungkot naman dahil kahit sandaling oras pa lamang ay namimiss ko na agad ang 9-Antipolo :)
Pero sa kabuuan ay naging masaya naman iyon :)
Kinakabahan, Natatakot, Natutuwa, Nalulungkot, at Nalilito yan ang mga naramdaman ko nang magsimula hanggang sa matapos ang NCAE . Kinakabahan dahil baka hindi ko matapos ang pagsusulit . Natatakot dahil baka masungit o mataray ang magbabantay sa amin . Natutuwa dahil hindi ganoon kahihirap ang mga tanong sa test kailangan mo lang ng sintido kumon para masagot ito maliban na lamang sa ACCOUNTANCY na simula pa lamag ay pinadugo na ang utak ko . Nalilito naman dahil mayroong tanong dun na halos pareparehas lang ang pagpipilian kaya mahirap mamili ng sagot . At Nalulungkot naman dahil kahit sandaling oras pa lamang ay namimiss ko na agad ang 9-Antipolo :)
Pero sa kabuuan ay naging masaya naman iyon :)
Mini Mini My Nimo
Paano ka magpahayag ng damdamin ?
Maraming paraan kung paano mo ipapahayag ang iyong damdamin . Nasasayo na kung paano mo ito sasabihin o ipapahayag , depende kung ano ang mas gusto o mas trip mong paraan . Pwedeng pasalita , Halimbawa na lamang kapag may problema ka maaari mo itong sabihin sa matalik mong kaibigan para mabigyan ka naman nya ng payo . Ngunit kung hindi ka naman pinansin ng iyong kaibigan , maaari mo din naman itong isulat , Halimbawa na lamang kapag may diary ka maaari mo itong isulat sa diary para mabawas bawasan naman ang nararamdaman mo . Pero kung wala ka namang mapagsabihan at wala ka ring diary na mapagsusulatan o nawalan ng tinta ang ballpen mo kaya di ka makapagsulat . NO CHOICE na kung baga ! wag kang magalala pwede ka namang magpost at kung gusto mong maitago ang iyong identity edi "MagMambuganFiles" :)
Pero ako, nagpapahayag ako ng damdamin sa pagsasabi ko sa aking mga kaibigan ng nararamdaman ko na kung minsan pa nga'y pinagtatawanan ako dahil akala nila' biro-biro lang iyon . Kaya ngayon mas minamabuti ko na lamang na isulat na lang sa aking diary :)
Maraming paraan kung paano mo ipapahayag ang iyong damdamin . Nasasayo na kung paano mo ito sasabihin o ipapahayag , depende kung ano ang mas gusto o mas trip mong paraan . Pwedeng pasalita , Halimbawa na lamang kapag may problema ka maaari mo itong sabihin sa matalik mong kaibigan para mabigyan ka naman nya ng payo . Ngunit kung hindi ka naman pinansin ng iyong kaibigan , maaari mo din naman itong isulat , Halimbawa na lamang kapag may diary ka maaari mo itong isulat sa diary para mabawas bawasan naman ang nararamdaman mo . Pero kung wala ka namang mapagsabihan at wala ka ring diary na mapagsusulatan o nawalan ng tinta ang ballpen mo kaya di ka makapagsulat . NO CHOICE na kung baga ! wag kang magalala pwede ka namang magpost at kung gusto mong maitago ang iyong identity edi "MagMambuganFiles" :)
Pero ako, nagpapahayag ako ng damdamin sa pagsasabi ko sa aking mga kaibigan ng nararamdaman ko na kung minsan pa nga'y pinagtatawanan ako dahil akala nila' biro-biro lang iyon . Kaya ngayon mas minamabuti ko na lamang na isulat na lang sa aking diary :)
Martes, Agosto 18, 2015
Mga Inaasahan sa Ikalawang Markahan
Sa unang markahan, Kung natuwa, sumaya, nalungkot, hinagpis ang naramdaman ko. Inaasahan ko naman sa ikalawang markahan na mas lalala pa ito na kung dati ay Tuwa at Saya lamang ang , Ngayon naman ay mas matutuwa pa ako at mas sasaya sa mga mangyayari . At kung dati na lungkot at hinagpis lang ay maaaring mag level up din ito at mas lalong hihirap ang mga talakayan . Pero ganunpaman ay excited pa rin ako sa mga mangyayari ngayong ikalawang markahan .
Mga Karanasan sa Unang Markahan
Sa unang markahan, tinalakay namin ang ibat ibang bansa sa Asya . Ang Thailand, Indonesia, Singapore, at Pilipinas . Sa Thailand pinagaralan ang Alamat ni Prinsesa Manorah ata ang kahulugan ng alamat. Sa Singapore naman pinagaralan ang isang akdang pinamagatang ang "Ang Ama" , ata ang kahulugan ng maikling kwento . Habang sa Indonesia naman pinagaralan ang sanaysay na "Kay Estella Zeehandelaar" at ang ibat ibang uri ng sanaysay . At ang huli ay ang sa Pilipinas dito naman tinalakay ang tulang "Kultura: Ang Pamana ng nakaraan , Regalo g kasalukuyan at Buhay ng kinabukasan" . Tuwa, Saya, Lungkot, Hinagpis na naramdaman ko sa markahang ito Sya at Tuwa dahil sa tuwing may gagawing pangkatang gawain ay laging nangunguna ang aming grupo :). Atsaka minsan kapag nagtatalakay ang aming guro ay nakakatawa . Lungkot at Hinagpis naman kapag kami ay pinapagalitan ng aming guro at kapag hindi nakapaghanda ang aming grupo sa gagawing pangkatan. Ganunpaman, Sa kabuuan naging masaya ako at tiyak ko rin namang naging masaya din ang aking mga kamagaral .
Dalawang araw ng Kasiyahan
Noong August 08, 2015, Sabado . Ito ay ang aking kaarawan kaya pagkagising na pagkagising ko ay binati na agad ako nila mama, Maaga akong gumising noong araw na iyon sapagkat mayroon kaming gagawin na Activity (LDP) sa Mayamot . Kaya kumain n ako naligo sumunod ay naghanda na . Sa aking pagdating sa aming paaralan ay agad na akong kinantahan ng "Happy Birthday " ng akin mga kamag-aral sa pangunguna ng aking mga magagandang kaibigan :) na akin namang labis na ikinatuwa , Sa paglipas naman ng mga oras ay nagtungo na kami sa Mayamot . Pagdating namin doon ay syempre naglibot libot muna kami at saka pumila sa court para sa pagsisimula ng LDP . Una ay ipinakilala muna ang mga ng adviser ng RCY ng bawat school , Habang hinihintay ang speaker ng aktibidad na iyon ay nakaisip si Sir Jumawid (Adviser ng RCY ng Muntindilaw) ng isang activity . At ito ay sumayaw at kumanta , at syempre di naman nagpatalo ang mga kaklase ko kaya sumayaw naman kami at kumanta . Kahihiyan ang nangyari para sa akin noong araw na iyon . Pero okay lang dahil naging dahilan naman iyon ng labis na pagkatuwa ng bawat isa . Makalipas ang ilang oras ay dumating na nga ang aming speaker at agad naman nya kaming iginrupo sa labing dalawa na labis ko namang ikinatuwa dahil naging kagrupo ko si Iwag .Pagkatapos ay binigyan kami ni Kuya Dan (Speaker) ng oras para bumuo ng pangalan ng aming grupo . Kaya nagkaroon agad ako ng mga bagong kaibigan , Nagdaan ang mga oras at uwian na namin kaya sinundo na kami ng aming service na BUS (BUS-URAHAN) :) ito ay masasabing kong pinaka masayang kaarawan ko dahil sa mga di makakalimutang pangyayari doon . Ng makarating na ako sa aming tahanan ay agad ko namang ikinuwento ang mga nangyare sa aking kapatid kaya nainggit sya :) pagkatapos namin magkuwentuhan ay kumain na ako at maya maya pa ngay natulog na .
Kinaumagahan August 09, 2015 ay maaga ulit akong nagising katulad ng karaniwan kong ginagawa ay kumain na ako, naligo at naghanda ng muli para pumunta sa aming paaralan . Sa Mayamot una ay nagtest muna kami at nakapasa naman ako , pagkatapos ay kumain muna akmi ng tanghalian atnaglaro ng kung ano ano . masaya ngunit nakakabitin ang naramdaman ko pagkatapos noon . Lumipas ang mga oras ay tapos na ang LDP kaya agad agad naman kaming pumunta sa aming bahay dahil naghanda ako ng kaunting pagkain para sa nakalipas kong kaarawan . Bitin man ang pagkain ay tiyak ko namang naging masaya sila dahil sa mga biruang nangyare . Pagkauwi ng mga bisita ko ay agad na akong kumain at natulog na dahil napagod ako ng sobra .
Sabado, Agosto 15, 2015
Ang maboritong Maikling Kwento ni Rose
Ano ang paborito kong Maikling Kwento ?
Ang kwento ni "Tusong Matsing at si Pagong" ang paborito kong maikling kwento dahil sa kwentong ito na nang makakita si Matsing at Pagong ng isang puno ng saging at umiral kay Matsing ang pagiging tuso niya at kay Pagong naman na gumamit ng isip sa pagdedesisyon. Ayan ang paborito kong maikling kwento dahil para sa akin masasabi kong pati sa totong buhay o sa panahon natin ngayon ay mayroong mga taong Tuso sa pera man o sa pagkain o kahit saan. Pero syempre kung mayroong mga taong tuso syempre mayroon ding mga taong katulad ni Pagong na mabait at gumagamit ng isip sa pagddesisyon at hindi nagpapaapekto sa mga tusong katulad na nga lamang ni Matsing.
Ang paboritong kanta ni Rose
Lyrics ng "PUMAPAG-IBIG"
Hashtag in love pumapag-ibig
Paselfi-selfie lang kumuha
Nang bigla syang nandyan nang sumali
Pasenti-senti lang nung una
Nang biglang napalitan ng smiley
Abot-tengang napangiti
Hindi ko napigilan
Parang kulang ang sandali
At kay bilis naman
Nang bigla syang nandyan nang sumali
Pasenti-senti lang nung una
Nang biglang napalitan ng smiley
Abot-tengang napangiti
Hindi ko napigilan
Parang kulang ang sandali
At kay bilis naman
Teka lang muna wait
Ganito pala ang pumapag-ibig
Napapa-sing-along sa love song
Woh oh oh parapapa
Teka lang muna wait
Kalito pala ang pumapag-ibig
Madrama parang telenobela
Araw-gabi hindi na mapakali
Alam na pag may time
Hashtag #inlab pumapag-ibig
Fine
Woh oh oh parapapa
Teka lang muna wait
Kalito pala ang pumapag-ibig
Madrama parang telenobela
Araw-gabi hindi na mapakali
Alam na pag may time
Hashtag #inlab pumapag-ibig
Fine
Ang paborito kong kanta ay "PUMAPAG-IBIG ni Marion Aunor" dahil para sa akin ang kantang ito ay sumasalamin sa mga kabataang katulad ko. Simple lang ang kantang ito kaya gusto ko siya at kahit na ito ay papalaos na at marami ng sumisikat na mga bagong kanta ngayon tula na nga lamang ng kantang "Flashlight" at "See you again" at iba pa ay okay lang hindi ko pa din papalitan ito dahil ito ang aking #PaboritoKongKanta :)
Katangian ng Kaibigan :)
Katangian ng Kaibigan
Ang mga katangian na gusto ko sa isang kaibigan ay syempre una sa lahat MABAIT na kahit anong sabihin o kahit anong gawin mo sa kanya ay okay lang . Pangalawa ay MAPAGBIGAY hindi kuripot o madamot yung kunware manghihiram ako sa kanya ng isang bagay o anu man . Hindi sya magdadalawang isip na pahiramin ako nun. Sunod ay MASIPAG syempre MATALINO at medyo MATARAY o MASUNGIT. Sama na rin natin yung MAINGAY o MADALDAL tsaka PALABIRO kasi kapag may kaibigan kang madaldal o palabiro hindi magiging boring ang buhay mo . At higt sa lahat, ang gustong gusto kong katangian ng kaibigan ko ay NAGPAPAUTANG :) yun lang .
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)