Kinaumagahan August 09, 2015 ay maaga ulit akong nagising katulad ng karaniwan kong ginagawa ay kumain na ako, naligo at naghanda ng muli para pumunta sa aming paaralan . Sa Mayamot una ay nagtest muna kami at nakapasa naman ako , pagkatapos ay kumain muna akmi ng tanghalian atnaglaro ng kung ano ano . masaya ngunit nakakabitin ang naramdaman ko pagkatapos noon . Lumipas ang mga oras ay tapos na ang LDP kaya agad agad naman kaming pumunta sa aming bahay dahil naghanda ako ng kaunting pagkain para sa nakalipas kong kaarawan . Bitin man ang pagkain ay tiyak ko namang naging masaya sila dahil sa mga biruang nangyare . Pagkauwi ng mga bisita ko ay agad na akong kumain at natulog na dahil napagod ako ng sobra .
Martes, Agosto 18, 2015
Dalawang araw ng Kasiyahan
Noong August 08, 2015, Sabado . Ito ay ang aking kaarawan kaya pagkagising na pagkagising ko ay binati na agad ako nila mama, Maaga akong gumising noong araw na iyon sapagkat mayroon kaming gagawin na Activity (LDP) sa Mayamot . Kaya kumain n ako naligo sumunod ay naghanda na . Sa aking pagdating sa aming paaralan ay agad na akong kinantahan ng "Happy Birthday " ng akin mga kamag-aral sa pangunguna ng aking mga magagandang kaibigan :) na akin namang labis na ikinatuwa , Sa paglipas naman ng mga oras ay nagtungo na kami sa Mayamot . Pagdating namin doon ay syempre naglibot libot muna kami at saka pumila sa court para sa pagsisimula ng LDP . Una ay ipinakilala muna ang mga ng adviser ng RCY ng bawat school , Habang hinihintay ang speaker ng aktibidad na iyon ay nakaisip si Sir Jumawid (Adviser ng RCY ng Muntindilaw) ng isang activity . At ito ay sumayaw at kumanta , at syempre di naman nagpatalo ang mga kaklase ko kaya sumayaw naman kami at kumanta . Kahihiyan ang nangyari para sa akin noong araw na iyon . Pero okay lang dahil naging dahilan naman iyon ng labis na pagkatuwa ng bawat isa . Makalipas ang ilang oras ay dumating na nga ang aming speaker at agad naman nya kaming iginrupo sa labing dalawa na labis ko namang ikinatuwa dahil naging kagrupo ko si Iwag .Pagkatapos ay binigyan kami ni Kuya Dan (Speaker) ng oras para bumuo ng pangalan ng aming grupo . Kaya nagkaroon agad ako ng mga bagong kaibigan , Nagdaan ang mga oras at uwian na namin kaya sinundo na kami ng aming service na BUS (BUS-URAHAN) :) ito ay masasabing kong pinaka masayang kaarawan ko dahil sa mga di makakalimutang pangyayari doon . Ng makarating na ako sa aming tahanan ay agad ko namang ikinuwento ang mga nangyare sa aking kapatid kaya nainggit sya :) pagkatapos namin magkuwentuhan ay kumain na ako at maya maya pa ngay natulog na .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento