Bakit mahalaga na magingat sa mga paskil na sasabihin ?
Una sa lahat , Bkit ka ba nagpaskil ? Kasi may kaaway ? Kasi may pinariringgan ? Kasi may pinatatamaan ? puro tayo kasi pero ano nga ba talaga ang dahilan ? Marami sa atin ang nagpopost sa ibat ibang websites partikular na nga sa facebook ng kung ano anong mga bagay . Isa rin to sa paraan kung paano mo ipapahayag ang iyong damdamin . Ngunit makakasakit ba ako kung sakaling ipost ko ito ? Yan ang tanong na dapat muna nating sagutin bago tayo magpost . Hindi yung " Osige, magpopost ako at walang makakapigil sakin" Tapos ano ? pag nabasa nya syempre magpopost din sya tapos ikaw din pag nabasa mo yung post nya syempre gaganti ka din magpopost ka walang makakapigil sayo ih. Hanggang sa hindi na ito matapos at maging gawi nyo na iyon . Pero naisip ba nati na " Ay pwede naman naming pagusapan, nagpost pa ako " tapos magsisisi ka dahil sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi . Wag na nating hintayin pang lumaki pa ito at magdulot ng mas malaking problema at ng di pagkakaunawaan hanggat maari pagisipan muna natin ang mga bagay na sasabihin ipopost at desisyong gagawin natin bago natin ito gawin dahil may kaakibat itong responsibilidad na mamaari nating pagsisihan .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento