Paano ka magpahayag ng damdamin ?
Maraming paraan kung paano mo ipapahayag ang iyong damdamin . Nasasayo na kung paano mo ito sasabihin o ipapahayag , depende kung ano ang mas gusto o mas trip mong paraan . Pwedeng pasalita , Halimbawa na lamang kapag may problema ka maaari mo itong sabihin sa matalik mong kaibigan para mabigyan ka naman nya ng payo . Ngunit kung hindi ka naman pinansin ng iyong kaibigan , maaari mo din naman itong isulat , Halimbawa na lamang kapag may diary ka maaari mo itong isulat sa diary para mabawas bawasan naman ang nararamdaman mo . Pero kung wala ka namang mapagsabihan at wala ka ring diary na mapagsusulatan o nawalan ng tinta ang ballpen mo kaya di ka makapagsulat . NO CHOICE na kung baga ! wag kang magalala pwede ka namang magpost at kung gusto mong maitago ang iyong identity edi "MagMambuganFiles" :)
Pero ako, nagpapahayag ako ng damdamin sa pagsasabi ko sa aking mga kaibigan ng nararamdaman ko na kung minsan pa nga'y pinagtatawanan ako dahil akala nila' biro-biro lang iyon . Kaya ngayon mas minamabuti ko na lamang na isulat na lang sa aking diary :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento