Martes, Agosto 18, 2015
Mga Karanasan sa Unang Markahan
Sa unang markahan, tinalakay namin ang ibat ibang bansa sa Asya . Ang Thailand, Indonesia, Singapore, at Pilipinas . Sa Thailand pinagaralan ang Alamat ni Prinsesa Manorah ata ang kahulugan ng alamat. Sa Singapore naman pinagaralan ang isang akdang pinamagatang ang "Ang Ama" , ata ang kahulugan ng maikling kwento . Habang sa Indonesia naman pinagaralan ang sanaysay na "Kay Estella Zeehandelaar" at ang ibat ibang uri ng sanaysay . At ang huli ay ang sa Pilipinas dito naman tinalakay ang tulang "Kultura: Ang Pamana ng nakaraan , Regalo g kasalukuyan at Buhay ng kinabukasan" . Tuwa, Saya, Lungkot, Hinagpis na naramdaman ko sa markahang ito Sya at Tuwa dahil sa tuwing may gagawing pangkatang gawain ay laging nangunguna ang aming grupo :). Atsaka minsan kapag nagtatalakay ang aming guro ay nakakatawa . Lungkot at Hinagpis naman kapag kami ay pinapagalitan ng aming guro at kapag hindi nakapaghanda ang aming grupo sa gagawing pangkatan. Ganunpaman, Sa kabuuan naging masaya ako at tiyak ko rin namang naging masaya din ang aking mga kamagaral .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento